Matapos ang assembly sa harap ng Municipal Hall, nagtungo ang mga kalahok sa lugar ng pagtatanim. Nakiisa rito ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga barangay, paaralan, civil society organizations at iba pang sektor ng komunidad.
Sa temang “Plant a Tree. Grow a Future,” binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at pakikilahok ng komunidad sa mga gawaing pangkapaligiran. Naging mainam din ang kondisyon ng lupa dahil sa ulan, na nakatulong sa pagtatanim ng mga punla.
Bukod sa pagbibigay ng lilim at sariwang hangin, nakatutulong ang mga puno sa pagsipsip ng tubig-ulan at pagpigil sa pagguho ng lupa. Layunin ng naturang pagtatanim na makatulong sa pagpapanatili ng mas luntian at maayos na kapaligiran sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








