‎64 ANYOS NA LALAKI, NALUNOD SA ILOG SA SAN CARLOS CITY

‎Nalunod sa ilog ang isang 64 anyos na lalaki na residente ng Tebag, San Carlos City, hapon ng August 23, 2026.

‎Makikita sa bidyo na in-upload ng Barangay Tebeng Public Information, nakuha ang katawan ng biktima sa ilog at sinubukan pang bigyan ng paunang lunas.

‎Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay Kagawad Loreto Palanca ng Barangay Tebeng, nakainom umano ang biktima at nagpupumilit na maligo sa ilog nang bigla na lamang itong naghudbad ng damit at tumalon sa ilog.


‎Dagdag pa ni Kagawad, maraming nagtangka na sagipin ang biktima ngunit nahirapan ang mga ito dahil sa lakas ng agos ng tubig.

‎Samantala, patuloy umano silang nag-i-ikot-ikot sa buong barangay at nagpapaalala na huwag maligo sa ilog dahil sa lakas ng agos at lalim ng tubig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments