Wednesday, April 22, 2026

Senador, pinakiusapan si Sen. Bato dela Rosa na kusang-loob na huwag tumanggap ng sweldo

Hinimok ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na kusang-loob na huwag munang tumanggap ng sweldo at allowances sa Senado.

Anim na buwan nang hindi nagpapakita sa Senado si dela Rosa mula noong November 2025, kasunod ng ulat hinggil sa umano’y arrest warrant laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Ejercito, tulad ng ordinaryong manggagawa na “no work, no pay,” mas nararapat itong ipatupad sa mga lingkod-bayan.

Binigyang-diin din niya na ang public service ay isang public trust, kaya may pananagutan ang mga opisyal sa taumbayan.

Dagdag pa niya, maglalatag pa ang Senado ng mga panuntunan upang matiyak ang attendance ng mga senador, bagamat mangangailangan pa ito ng deliberasyon at pag-amyenda.

Facebook Comments