Wednesday, April 22, 2026

VP Duterte, hinamon na humarap sa impeachment hearing at pumirma ng bank waiver gaya ni Madriaga

Hinamon ni Paolo Ortega V si Vice President Sara Duterte na dumalo sa impeachment hearing ngayong araw, manumpa, at pumirma ng bank waiver, gaya ni Ramil Madriaga.

Ayon kay Ortega, sa ganitong paraan aniya maipapakita ni Duterte ang kanyang kredibilidad at direktang masasagot ang mga alegasyon kaugnay ng mga nilalaman ng impeachment complaints at mga pahayag ni Madriaga.

Giit pa ng mambabatas, kung nais umano ng Bise Presidente na pabulaanan ang mga akusasyon, mas mainam na humarap ito sa impeachment proceedings sa halip na dumaan lamang sa media at maglabas ng mga pahayag.

Samantala, nanawagan din si Bienvenido Abante kay Duterte na ipakita ang pananagutan sa pamamagitan ng pagharap sa tamang forum, kabilang ang komite, upang magpaliwanag nang direkta sa mga isyu.

Facebook Comments