
Mahigpit na ipatutupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tatlong antas ng monitoring sa mga proyektong ipinatutupad ng mga local government units (LGU) sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) sa buong bansa.
Kabilang sa mga mekanismo ang real-time tracking sa pamamagitan ng portal, third-party monitoring sa tulong ng Civil Society Organizations, at pagbuo ng Local Project Monitoring Committees.
Layon ng hakbang na matiyak ang tamang paggamit ng mahigit P57 billion na pondo ng pamahalaan at maiwasan ang anumang uri ng katiwalian sa implementasyon ng mga proyekto.
Ang LGSF ay nagmumula sa pambansang badyet at ginagamit upang pondohan ang mga mahahalagang imprastraktura at serbisyo ng LGUs, partikular sa mga proyektong hindi kayang pondohan ng lokal na pamahalaan.










