Friday, May 8, 2026

PBBM, nagbabala sa oil companies na ipatupad ang rollback nang buo at walang delay

Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga oil company na ipatupad nang walang delay at aberya ang rollback sa presyo ng petrolyo.

Ayon sa pangulo, mahaharap sa kaukulang aksyon ng pamahalaan ang mga kumpanyang lalabag dito.

Nanawagan din siya sa publiko na agad magsumbong sa Malacañang at Department of Energy (DOE) kung may mapapansing mga paglabag.

Kasabay nito, muling ipinaalala ng Pangulo na nagpapatuloy ang ₱10 fuel discount para sa mga public vehicle utility (PUV) at bus, gayundin ang Service Contracting Program at iba pang programa ng pamahalaan.

Tiniyak din ng pangulo na hindi titigil ang gobyerno hangga’t hindi nararamdaman ng bawat Pilipino ang ginhawang dulot ng rollback at iba pang suportang ibinibigay ng estado.

Facebook Comments