Friday, September 25, 2026

P2.75 trillion, nawala sa bansa mula 2025 hanggang 2026 dahil sa korapsyon at inflation

Aabot sa kabuuang P2.75 trillion ang nawala sa bansa dahil sa korapsyon at inflation sa loob ng isang taon o mula 2025 hanggang 2026.

Ayon kay Ad Hoc Committee on Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth (RISE) Chairperson Risa Hontiveros, isang taon nang humihina ang ekonomiya ng bansa mula sa 3.9 percent noong 3rd quarter ay bumagal pa ito sa 2.3 percent ngayon.

Ang trabaho aniya nila ngayon sa komite ay tiyaking ang mga Pilipino ay hindi babagsak sa kahirapan sa tuwing may krisis na tatama sa bansa.

Sinabi naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na ang P2.75 trillion na halagang nawala sa bansa ay kasama na rito ang pagkalugi sa ekonomiya gayundin ang mga nawalang oportunidad.

Dagdag pa ni Gatchalian, ngayon aniya dumaranas ang bansa ng pinakamabagal na pagusad ng ekonomiya mula noong 2017, hindi kasama rito ang mga taong may pandemya.

Tinukoy din ng senador na pangalawa ang Pilipinas sa mga nahuhuli pagdating sa economic growth sa mga bansang kasapi ng ASEAN at ito ay dahil sa matinding katiwalian at epekto ng gyera sa Iran.

Facebook Comments