P250K LIVELIHOOD ASSISTANCE PARA SA SMOKED FISH PRODUCTION, IBINAHAGI SA QUIRINO PROVINCE

CAUAYAN CITY – Naglunsad ng busi ness training session ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bagong tatag na Tinapa Producers Association sa probinsya ng Quirino.

Katuwang ng DOLE ang Municipal Government of Diffun at Public Employment Service Office (PESO) sa pagsasagawa ng nabanggit na pagsasanay.

Tinalakay dito ang iba’t ibang paksa katulad ng registration and invoicing, occupational safety and health, marketing strategies, entrepreneurship, values formation, at simple bookkeeping.

Maliban dito, nabigaya din ang asosasyon ng mahigit na P250K na livelihood assistance para sa produksiyon ng smoked fish.

Layunin ng pagsasanay na mabigauan ng sapat na kasanayan at kaalaman ang mga kalahok upang mapangasiwaan nila ang kanilang negosyo nang maayos.

Facebook Comments