Pacquiao, lamang kay Broner – ayon sa ilang boxing expert

Las Vegas – Nagbigay na ng kani-kanilang prediksyon ang ilang boxing superstars hinggil sa magiging laban nina Manny Pacquiao at Adrien Broner sa Linggo.

Kabilang dito si boxing hall of famer Erik Morales na naniniwalang mananalo via knockout si Pacquiao.

Ganito rin ang pananaw ng dati na ring nakalaban ni Pacquiao na si Jessie Vargas.


Para naman sa boxing trainer at tiyuhin ni Floyd Mayweather Jr na si Jeff Mayweather – maaagaw ni Broner ang WBA Welterweight belt sa Pinoy Champ.

Pero tingin ng boxing expert na si Atty. Ed Tolentino – tiyak na mapapatumba ni Pacquiao si Broner sa 10th round ng laban.

Habang sabi ni Dennis Principe – baka ikatalo ni Broner ang pang-iinsulto nito sa mga Pinoy sa Amerika.

Umaasa ang boxing analyst na maramdaman ni Pacquiao ang pagbabalik ng kanyang mga fans.

Facebook Comments