Ayon sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, umabot sa mapanganib na 44°C heat index ang naitala sa lungsod kahapon, Mayo 11.
Dahil sa matinding init, pinayuhan ang mga residente na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at iba pang sakit na dulot ng mataas na temperatura.
Inabisuhan din ang publiko na iwasan ang matagal na pagbibilad sa ilalim ng araw lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Hinikayat ang mga mamamayan na magsuot ng magagaan na damit at gumamit ng payong, sombrero, o iba pang proteksyon kapag lalabas ng bahay.
Nagbabala rin ang mga awtoridad laban sa heat exhaustion at heat stroke.
Kabilang sa mga sintomas nito ang pagkahilo, pananakit ng ulo, panghihina, at pagsusuka.
Mas pinaalalahanan ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may karamdaman na mag-ingat dahil sila ang mas madaling maapektuhan ng matinding init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




