
Para kay House Assistsant Majority Leader at Lanao del Sur 1st DIstrict Representative Zia Alonto Adiong, tila abot-kamay na ang pagpapa-impeach ng Kamara kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Adiong, ito ay dahil mayorya ng 69 na miyembro ng kinaaniban nyang Lakas-CMD ay boboto pabor sa impeachment kay VP Duterte.
Ang Lakas-CMD ang pinakamalaking partido sa kamara.
Naniniwala si Adiong na sa ngayon ay nasa 180 na ang mga kongresista na susuporta sa Articles of Impeachment at posibleng madagdagan pa sa Lunes, May 11 na itinakdang araw ng botohan sa plenaryo ng Kamara.
Batay sa rules, one-third lamang ng mga miyembro ng House of Representatives o boto ng 106 na mga kongresista ang kailangan para mai-transmit ang articles of imepachment sa Senado na syang tumatayong impeachment court.










