Friday, May 8, 2026

APAT NA WANTED PERSONS SA KASONG ESTAFA, SUNOD-SUNOD NA NAARESTO SA PANGASINAN

Sunod-sunod na naaresto ng mga awtoridad ang apat na wanted persons sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Pangasinan dahil sa kasong estafa.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi nang arestuhin ng mga tauhan ng Manaoag Municipal Police Station (MPS) sa bayan ng Manaoag ang isang 49 anyos na tricycle driver sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 Paragraph 1(b) ng Revised Penal Code sa ilalim ng Criminal Case No. 8770. Inirekomenda ng korte ang piyansang nagkakahalaga ng P24,000. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Manaoag MPS ang suspek.

Samantala, nadakip naman ng San Carlos City Police Station ang isang 55 anyos na caretakersa bisa ng dalawang alias warrant of arrest kaugnay ng kasong estafa sa ilalim ng Article 315 Paragraph 1(b) ng Revised Penal Code. Ang unang kaso ay may inirekomendang piyansang P26,000 habang ang ikalawang kaso naman ay may piyansang P16,000. Nasa kustodiya na rin ng San Carlos CPS ang suspek.

Sa bayan naman ng San Fabian, arestado ng San Fabian MPS ang isang 51 anyos na babae sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 Paragraph 2(a) ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act. Ang kaso ay may inirekomendang piyansang P36,000. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng San Fabian MPS.

Bukod dito, nadakip din sa San Carlos City ang isang 39 anyos na lalaki at nahaharap sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 Paragraph 2(d) ng Revised Penal Code. May inirekomendang piyansang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan nito. Ang suspek ay nasa kustodiya na rin ng San Carlos CPS. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments