Tuesday, May 12, 2026

974 SENIOR CITIZENS, NAKATANGGAP NG KANILANG SOCIAL PENSION SA DAGUPAN CITY

Matagumpay na naipamahagi ngayong umaga ang social pension para sa halos isang libong senior citizens sa lungsod ng Dagupan.

Kabuuang 974 na mga lolo at lola ang nakatanggap ng kanilang SocPen o Social Pension sa ginanap na distribusyon.

Kasabay ng aktibidad, muli ring ipinaalala ng alkalde ang mga bagong serbisyo ng lokal na pamahalaan gaya ng PhilHealth GAMOT program na pormal na inilunsad kahapon Mayo 11, 2026.

Layon ng nasabing ayuda na makatulong sa pang-araw-araw na gastusin at pambili ng gamot ng mga nakatatandang Dagupeño sa paghahatid ng direkta at libreng serbisyong medikal at pinansyal para sa mga bulnerableng sektor sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments