Naglabas ng abiso ang PrimeWater Infrastructure Corporation kaugnay ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang barangay sa lungsod sa darating na Mayo 15, 2026.
Ayon sa advisory, magsasagawa ng data gathering o drawdown test sa Pump Station #3 Dilan, Pump Station #9 Bactad, Pump Station #5 Cayambanan, at Pump Station #8 Anonas mula alas-8 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi.
Dahil dito, inaasahang makararanas ng mahinang daloy ng tubig hanggang sa pansamantalang pagkawala ng suplay ang mga apektadong lugar kabilang ang Bayaoas, Poblacion, Dilan-Paurido, Camanang, Sto. Domingo, Bactad East, Pedro T. Orata, Tiposu, Consolacion, Nancalobasaan, Tulong, San Vicente, Nancayasan, Cayambanan, Mabanogbog, Cabuloan, Macalong, Casantaan, Bolaoen, Camantiles, at Anonas.
Pinayuhan naman ng Prime Water ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bilang paghahanda sa naturang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




