Pinaigting ng San Carlos City Police Station ang pagpapatupad ng curfew hours kung saan ilang menor de edad ang nasita dahil sa paglabag.
Bahagi ang operasyong ito ng patuloy na hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang kaligtasan ng mga kabataan lalo na sa oras ng gabi.
Ang mga nahuling menor de edad ay dinala sa himpilan para sa dokumentasyon, profiling, at counseling, bago ligtas na itinurn-over sa kanilang mga magulang o guardian.
Pinaaalalahanan naman ng pulisya ang mga magulang na mas paigtingin ang paggabay sa kanilang mga anak upang maiwasan ang paglabag at mapanatili ang disiplina sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






