
Ipinauubaya na ng Malacañang sa Senado ang mga naging pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan.
Ito ay matapos mapalitan si dating Senate President Tito Sotto at maupo si Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong pinuno ng Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, Senado mismo ang nagpasiya para sa sarili nitong liderato.
Wala namang ibinigay na karagdagang pahayag ang Malacañang kaugnay sa iba pang naging kaganapan sa Senado, kabilang ang muling paglitaw ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa bago ang botohan sa pagpapalit ng liderato.
Facebook Comments










