Pagdukot ng NPA sa 4 na indibidwal sa Oriental Mindoro, kinondena

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkidnap ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa apat na katao sa Bansud, Oriental Mindoro.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia – dapat mapanagot sa ilalim ng batas ang mga gumagawa nito.

Nabatid na apat na indibiduwal, kabilang ang barangay chairperson at isang miyembro ng CAFGU active auxiliary ang dinukot ng nasa siyam na rebeldeng komunista.


Tatlo sa mga ito ay pinalaya na habang ang CAFGU member ay pinaniniwalaang hawak pa ng NPA.

Facebook Comments