PAGGALAW SA PRESYO NG APRUBADONG MGA PRODUKTO, UMABOT NASA P6

Tumaas ng hanggang sa anim na piso o 6 pesos ang aprubado nang hirit na taas presyo sa ilang mga grocery items.
Ang canned sardines, nasa P2- P3.59 pesos ang itinaas, nasa P1.50- P4 naman ang dagdag sa toilet soaps habang nasa P3.50- P6 naman ang umento sa powdered milk.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nakabinbing mga notice of price adjustments sa ilan pang produkto tulad ng bottled water, instant noodles, tinapay, baterya, condiments at iba pa.

Samantala, ang mga consumers sa lalawigan ng Pangasinan,nadismaya at ikinalungkot ang nangyayaring taas presyo sa mga pangunahing bilihin partikular sa bigas dahil sa nananatiling mataas na presyuhan nito at ang nagbabadyang pagsirit pa sa presyo ng ilang mga bilihin sa merkado. |ifmnews
Facebook Comments