Thursday, June 25, 2026

Task force para maiwasan ang karahasan lalo na sa mga paaralan, binuo ng Manila LGU

FILE PHOTO

Nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 29, Series of 2026 na lumilikha sa Manila School and Community Safety Task Force.

Layunin ng task force na maiwasan ang karahasan at mga hindi inaasahan sa mga pampublikong lugar at paaralan sa lungsod.

Sa State of the City Address ni Yorme Isko, sinabi nito na ang binuong task force ang magiging daan para sa kaligtasan ng lahat at maging panatag ang bawat isa hanang nasa lungsod ng Maynila.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang Manila Police District (MPD) at Schools Division Office of Manila na paigtingin ang operasyon laban sa mga iligal na armas.

Pinabubuo rin sila ng threat assessment team at magsasagawa ng citywide school safety audit sa loob ng susunod na 90 araw.

Facebook Comments