Monday, June 22, 2026

Labi ni Divine Adili, ililipad na ngayong araw pabalik ng Nigeria

Bandang alas dos ng hapon nang ilabas na sa Arlington memorial chapel ang mga labi ng Ateneo Blue Eagles student-athlete na si Divine Adili.

Ito’y matapos ang ilang araw na public viewing at candlelighting activity sa Ateneo at sa Arlington chapel.

Kabilang sa nagbuhat ng kabaong ni Adili ay mga teammates, dating coaches, mga kaibigan, at mga kapamilya.

Sinundan ng ilang mga sasakyan ang karo o funeral car na dumiretso sa airport para sa repatriation o pagpapauwi sa labi ni Adili.

Ayon sa Ateneo de Manila University (ADMU), ang pagpapauwi sa labi ng atleta ay alinsunod na rin sa mismong kahilingan ng pamilya Adili.

Dalawang kinatawan ng ADMU ang sasama sa pagpapauwi sa labi ni Adili sa Nigeria.

Sumailalim muna sila sa kaukulang pagsusuring medikal at vaccination na requirements upang papasukin sila sa Nigeria.

Facebook Comments