Thursday, June 25, 2026

Arraignment hearing ng kasong graft laban sa ilang dating opisyal ng NLDC, iniurong ng Sandiganbayan

Iniurong sa August 6 ng Sandiganbayan 5th Division ang arraignment hearing ng kasong graft laban kina Gondelina Amata at Gregoria Buenaventura, dating mga opisyal ng National Livelihood Development Corporation (NLDC).

Kaugnay ito ng umano’y pagkakasangkot ng mga akusado sa P2.9 million na Priority Development Assistant Fund (PDAF) scam noong 2009.

Iniurong ang nasabing pagdinig dahil sa mosyon na magkahiwalay na inihain ng mga akusado, para hilingin sa korte na ibasura ang nasabing kaso laban sa kanila.

Matatandaang ang Office of the Ombudsman ang naghain ng mga impormasyon noong June 3 laban sa mga akusado, dahil sa umano’y iligal na pagta-transfer ng nasabing pondo sa Kabuhayan at Kalusugan Alay sa Masa Foundation, Inc., sa pamamagitan umano ng 2 disbursement voucher, kahit hindi naman umano naimplimenta ang livelihood development project sa 2nd District ng Davao del Sur.

Facebook Comments