Sinimulan ng House of Representatives ang paghahanda para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin sa July 28, 2025.

Sa pamamagitan ito ng pagsasagawa ng unang inter-agency coordination meeting na pinangunahan ng Kamara at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Office of the President, Senado, Department of Foreign Affairs (DFA), at Philippine National Police (PNP).

Sa pulong ay hiniling ni House Secretary General Reginald Velasco ang kooperasyon ng lahat ng kaukulang ahensiya para sa ikatatagumpay ng 4th SONA ni PBBM.

Ini-ulat naman ni House sergeant-at-arms retired P/Maj. Gen. Napoleon Taas na 27,000 mga tauhan mula sa security and response agencies ang ipakakalat para magbigay ng seguridad sa loob at paligid ng Batasang Pambansa sa araw ng SONA.

Tinalakay rin ang pagtugon sa medical emergency at iba pang sitwasyon na maaaring mangyari kaugnay sa pagdaraos ng SONA.

Facebook Comments