Philippine Army, tiniyak ang kahandaan sa nalalapit na eleksyon

Siniguro ng Philippine Army ang kanilang kahandaan sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, magdedeploy sila ng 16,489 na mga sundalo para tumulong sa Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng maayos, malinis, at mapayapang eleksyon.

Sinabi ni Galido na ang mga sundalo ay nakatalaga sa 661 Armed Forces of the Philippines (AFP)-PNP-Comelec checkpoints at 63,663 polling precincts sa buong bansa.

Bukod pa rito, may 12,377 Army personnel din ang naka-standby kung sakaling kailanganin.

Ani Galido, sumailalim sa orientation ang mga sundalo para matiyak ang pagsunod sa batas at sa mga patakaran ng Philippine Army, alinsunod sa Omnibus Election Code.

Binanggit din nito ang mahalagang papel ng Philippine Army sa mga red areas o election hotspots na tinukoy ng Comelec, kung saan mas kailangan ang presensiya ng militar para pigilan ang karahasan, pananakot, at sabotahe sa eleksyon.

Facebook Comments