Pagkakaroon ng social mobilizers, nakikitang paraan ng pamahalaan para tumaas ang vaccination coverage

Bigo mang maabot ng pamahalaan ang target nitong 70-M na fully vaccinated bago matapos ang buwan ng Marso.

Nakaisip ng stratehiya ang National Vaccination Operations Center (NVOC) upang tumaas pa ang vaccination coverage sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NVOC Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na balak nilang magkaroon ng social mobilizers.


Ang social mobilizers aniya ay bago magtungo sa kada bahay-bahay ang mga magbabakuna ay kailangang may mag-i-inform sa community kung ano ang mga side effects ng bakuna, ano ang benepisyo nito para makumbinsi ang mga tao na magpabakuna.

Paliwanag nito, kahit mababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, mahalaga parin ang mabakunahan bilang proteksyon sa virus.

Facebook Comments