Menor de edad, nakuhaan ng 150 gramo ng shabu sa Bacoor City, Cavite

113

Arestado ang isang menor de edad matapos makuhaan ng 150 gramo ng shabu sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad laban sa grupo ng drug traffickers sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, BGen. Roderick Augustus Alba, nang isagawa ang operasyon nakatakas ang dalawang kasama ng menor de edad na nagngangalang Drexter “Tabo” Buenaventura at isang Nora.

Nakuha sa 17 anyos na suspek ang 159 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.02 million.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya para mahuli ang mga nakatakas na mga suspek habang nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mai-turn over ang nahuling menor de edad.

Facebook Comments