Friday, July 10, 2026

Pagkakatalaga kay Abalos bilang Cabinet Secretary, dinepensahan ng Palasyo

COURTESY: Presidential Communications Office

Dinepensahan ng Malacañang ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay dating DILG Secretary Benhur Abalos bilang Cabinet Secretary.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, saklaw ng kapangyarihan ng pangulo ang pagtalaga ng mga opisyal at pagrere-organisa ng Executive Branch.

Dahil dito, hindi na kailangan ng panibagong Executive Order para sa appointment ni Abalos.

Sinabi rin ni Castro na binigyan ng pangulo ng bagong mandato ang posisyon ng Cabinet Secretary.

Sa halip na mangasiwa sa mga Cabinet meeting, tututukan ni Abalos ang pagtiyak na naipararating at nararamdaman ng mga Pilipino ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan.

Inatasan din siyang maging kinatawan ng pangulo sa pagbisita sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa mga lugar na hindi na personal na mapupuntahan ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments