
Hindi pa ganoon kabigat ang magiging simula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw, July 6.
Ayon kay Senate President Win Gatchalian, puro preliminaries muna ang gagawin kung saan bibigyan ng pagkakataon ang house prosecution team at defense team na magbigay ng kanilang mga opening statement.
Dito rin reresolbahin muna ang mga bagay na ni-raise sa gitna ng pre-trial conference at sa inilabas na pre-trial order.
Tumanggi muna si Gatchalian na tukuyin kung ano-ano ang mga reresolbahing ito para hindi mapangunahan ang mga senator judges.
Samantala, isa naman sa nabanggit ni Gatchalian ay ang usapin ng pagbabalik ng Bureau of Internal Revenue (BIR) box na naglalaman ng tax records ni VP Sara.
Paliwanag ni Gatchalian, kasama ito sa napag-usapan sa all-senators caucus noong Biyernes at bilang ang BIR box ay ebidensya, ito ay dapat nasa pag-iingat muna ng prosecution team.










