
Hindi pa umano hinog ang mga ebidensiya para mapatunayan na may naging sabwatan para makatakas si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa noong Mayo.
Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente sa Senado.
Ayon kay DOJ Usec. Ian Norman Dato, hindi pa sapat ang ebidensiya na magdidiin na may naging sabwatan.
Dahil dito, ipauubaya muna nila sa prosekusyon ang patuloy na pangangalap ng mga ebidensiya.
Samantala, hindi pa naibabalik DOJ ang reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robin Padilla dahil sa umano’y pagtulong niya na makalabas ng Senado si Dela Rosa.
Facebook Comments










