Friday, July 10, 2026

“Oplan Romanov,” kathang-isip lang ng kampo ni VP Duterte

Naniniwala ang panig ng prosekusyon na kathang-isip lamang at walang basehan ang “Oplan Romanov” na pinalutang ng kampo ni Vice President Sara Duterte.

Ang naturang Oplan ay ginagamit ng kampo ng depensa kontra sa inihayag ni VP Sara sa kaniyang online press conference noong November 23, 2024 na may nakausap na siyang papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ang Oplan Romanov ay hango sa pangalan ng pamilyang Romanov sa Russia na magkakasamang pinaslang.

Sabi ni House Prosecution Legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. ang Oplan Romanov ay binanggit lang ng abogado ni VP Duterte pero hindi suportado ng detalye o anumang magpapatunay na ito ay totoo.

Diin naman ni House prosecutor Representative Ysabel Maria Zamora, naghahatid lang ng kalituhan ang sinasabing Oplan Romanov na hindi suportado ng anumang kongkretong ebidensya at imposible ring gawin ito ng Unang Pamilya.

Facebook Comments