
Maituturing na duplicate at hindi original ang video ng diumano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte na iprinisinta sa impeachment trial.
Giit ni Senator Robinhood Padilla sa kaniyang Facebook post, mayroon built-in na record sa Zoom at ang host ng livestream ay maaaring pindutin iyon sa screen para magkaroon ng kopya ng Zoom meeting.
Ito aniya ang matatawag na original copy at hindi ang video na ipinalabas sa paglilitis dahil ito ay kinopya na lamang na galing sa internet.
Binigyang-diin pa ni Padilla na anumang recorded na duplicate copy ng video ay maaaring namanipula na.
Pinayuhan ni Padilla si NBI senior agent John Mark Calilung na sa file ng gumawa ng Zoom meeting siya dapat nag-authenticate ng video at hindi sa internet.
Dagdag pa ng senador, trabaho ng imbestigador na hanapin ang raw o original recorded mula sa creator ng meeting o ng Zoom.










