Wednesday, July 8, 2026

AFP, naglatag ng mga plano sa command conference kay PBBM

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga naging tagumpay nito sa operasyon at ang mga susunod na hakbang para higit pang palakasin ang seguridad ng bansa.

Naganap ito sa AFP Command Conference sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, kung saan nagbigay ng ulat ang militar tungkol sa kanilang mga operational accomplishments sa unang kalahati ng taon at mga prayoridad sa mga susunod na buwan.

Ipinaliwanag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang campaign plan ng AFP na nakatuon sa pagpapalakas ng depensa ng bansa, pagpapataas ng kahandaan ng militar sa mga operasyon, at pagpapaunlad ng defense capabilities.

Sa pulong, muling tiniyak ni Pangulong Marcos ang buong suporta ng kaniyang administrasyon sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas upang mapanatili itong mission-ready sa pagtatanggol sa soberanya, territorial integrity, at pangmatagalang kapayapaan at seguridad ng bansa.

Dumalo rin sa command conference ang mga commander ng iba’t ibang yunit ng AFP at si Gilberto Teodoro Jr., kalihim ng Department of National Defense (DND).

Facebook Comments