Pagkukunan ng pondo para sa Bayanihan 3, pinag-aaralan na ng economic managers

50

Pabor si Committee on Health Chairperson Senator Christopher “Bong” Go sa panukalang Bayanihan 3 na tutulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na batid niyang pinag-aaralan na ng mga financial manager ng gobyerno kung may mapagkukunan nang pondo para sa ayudang ibibigay sa mga tao.


Binigyang diin ni Go na talagang mahirap ang buhay ngayon dahil marami ang nawalan ng trabaho kaya naman kung may tulong na ibibigay ay dapat nang maibigay sa mga nangangailangan.

Inihayag din ni Go na dapat matulungan ang mga maliliit na negosyante para patuloy na makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan.

Tiniyak din ni Go na handang suportahan ng Senado ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakatulong sa mga mahihirap.

Facebook Comments