Paglaban sa child trafficking, pinalakas ng gobyerno

18

Pinaigting pa ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa child trafficking.

Kasunod ito ng pagtatapos ng huling high-level dialogue sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kaugnay ng US-Philippines Child Protection Compact (CPC) partnership.


Pangunahing tinalakay ng mga opisyal ang pag-iimbestiga at pag-usig sa mga kasong may kinalaman sa online sexual exploitation of children.

Kabilang din sa mga tututukan ay ang pagtukoy at pagtugon sa mga kasong may kinalaman sa child labor trafficking at pagkakaloob ng tulong sa mga biktima.

Facebook Comments