Friday, May 1, 2026

Arawang sahod sa mga rehiyon, patuloy na ni-re-review—PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang hakbang ng pamahalaan para itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ayon sa pangulo, patuloy ang pagsusuri sa minimum wage sa iba’t ibang rehiyon upang matiyak na nakakasabay ito sa pang-araw-araw na gastusin.

Sa pamamagitan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards, nakapaglabas na aniya ng 89 wage orders mula Hunyo 2023 hanggang Abril 2026.

Kabilang dito ang umento sa sahod na epektibo ngayong araw sa Region X at Region XIII, kung saan nasa ₱500 at ₱475 na ang arawang sahod ng mga manggagawa.

Binigyang-diin ng pangulo na layon ng pamahalaan ang makamit ang disenteng sahod at mas maayos na kabuhayan para sa bawat Pilipino.

Facebook Comments