Thursday, April 30, 2026

Relasyon ng Pilipinas at Czech Republic, walang lamat sa gitna ng kaso ni Zaldy Co — Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na nananatiling maayos at matatag ang relasyon ng Pilipinas at Czech Republic sa kabila ng isyu kay dating AKO Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nauunawaan ng Pilipinas na may sariling batas at proseso ang Czech Republic, kaya hindi ito maaaring basta-basta kumilos laban kay Co na itinuturing na pugante sa bansa.

Iginagalang din aniya ng Pilipinas ang umiiral na legal na proseso habang patuloy na naghahanap ng paraan para sa posibleng pagbabalik ni Co sa bansa.

Dagdag pa ni Castro, hindi hadlang ang pagkakaiba sa mga batas ng dalawang bansa upang masira ang kanilang ugnayan, at nananatili ang aktibong koordinasyon kabilang ang usapin ng extradition.

Facebook Comments