
Inilunsad ng liderato ng Kamara ang LegisHear, na isang public consultation na isasagawa sa buong bansa upang mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng boses sa pagbuo ng mga panukalang batas para sa kanilang kapakanan.
Ang seremonya ng paglulunsad ng programang LegisHear ay pinangunahan mismo ni House Speaker Faustino Bodgie Dy III na ginanap kahapon sa Isabela State University,
Echague, Isabela.
Diin ni Dy, ang naturang inisyatiba ay bahagi din ng kanilang hangarin na mailapit sa taumbayan ang Bagong Kongreso at ang presensya ng pamahalaan.
Ayon kay Dy, naging inspirasyon ng Kamara dito ang mga naunang nationwide consultative meeting sa taumbayan para sa panukalang Anti-Political Dynasty Bill.
Facebook Comments










