Saturday, August 1, 2026

Masusing imbestigasyon sa magkahiwalay na marahas na pag-atake sa mga guro sa Aklan at Davao de Oro, iniutos ng PNP

Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kinauukulang unit nito na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa magkahiwalay na pag-atake sa mga guro sa Aklan at Davao de Oro.

Nabatid na nasawi ang isang 52 years old na guro sa Aklan nang mahulog ito sa kanyang motorsiklo matapos suntukin ng ilang ulit ng isang 19 na taong gulang na lalaki kasunod ng kanilang pagtatalo sa isang pagtitipon noong Hulyo 26.

Habang ang isang 55 taong gulang na guro naman sa Davao de Oro ang inatake noong Hulyo 27 ng dalawang menor de edad na estudyante matapos niyang pagsabihan ang isa sa kanila dahil sa pagsusuot ng hikaw na labag sa patakaran ng paaralan.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. , ang nasabing insidente ay lubhang nakakabahala.

Aniya ang karahasan ay walang lugar sa eskwelahahan at komunidad kung kayat tinitiyak ng PNP na magsasagawa sila ng imparsyal at masusing imbestigasyon para makamit ang hustisya sa mga biktima.

Dagdag pa nya, hindi dapat matakot ang mga guro para sa kanilang kaligtasan dahil dito patuloy na kikilos ang PNP sa mga eskwelahan at komunidad para makapagbigay ng ligtas na kapaligiran kung saan makakagalaw ang mga guro ng may tiwala sa sarili.

Facebook Comments