Wednesday, July 29, 2026

Buwis sa vape, mataas na inumin at sinlge-use plastic, planong itaas ng Kamara

Plano ng House of Representatives na dagdagan ang buwis sa vape products, tobacco, sugar-sweetened beverages at single-use plastics.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairperson at Marikina City Rep. Miro Quimbo, ito ay para mabawi ang P50-billion na mawawalang koleksyon sa gobyerno.

Ito ay kapag ipinatupad ang isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na itaas sa ₱350,000 ang kabuuang sweldo sa loob ng isang taon na hindi papatawan ng buwis kasama ang 13th month pay at iba pang mga bonus.

Paliwanag ni Quimbo, layunin din ng pagpapataw ng higit na buwis sa vape, sigarilyo, at matatamis na inumin na mapabuti ang kalusugan ng mamamayang Pilipino.

Dagdag pa ni Quimbo, kasama din sa ikinokonsiderang itaas ang automobile tax.

Facebook Comments