Wednesday, July 29, 2026

Kaligtasan ng publiko, uunahin sa anumang nuclear energy program —Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na hindi itutuloy ng pamahalaan ang anumang nuclear energy project hangga’t hindi ito ligtas at sumusunod sa international safety standards.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dadaan muna sa masusing pag-aaral ang bawat proyekto upang matiyak na kumpleto ang mga kinakailangang safety measures bago ito aprubahan.

Pangungunahan aniya ng Department of Energy at ng Nuclear Energy Program Interagency Committee ang paghahanda ng programa, na kailangang tumalima sa safety, security, at safeguards requirements ng International Atomic Energy Agency (IAEA).

Binigyang-diin ni Castro na hindi papasok ang pamahalaan sa anumang nuclear project kung hindi ito mapatutunayang ligtas at makabubuti sa publiko.

Facebook Comments