PAGPUKSA SA DENGUE, ISINUSULONG NG BARANGAY BOLOSAN, DAGUPAN CITY

Isinusulong ng Barangay Bolosan, Dagipan City ang kampanya nito laban sa dengue matapos ang paglalagay ng larvicidal powder sa iba’t-ibang lugar sa barangay noong July 29, 2026.

Kabilang sa mga pinuntahan ang mga estero, drainage canals, at iba pang lugar na may naipong tubig.

Ayon sa barangay, ang aktibidad ay para umano mapuksa ang mga kiti-kiti sa mga lugar na may stagnant water at mabawasan ang pagdami ng mga lamok na maaaring magdala ng dengue.

Pinangunahan ang aktibidad ng Sanitation Office katuwang ang City Health Office, mga Barangay Health Workers (BHWs), at Barangay Nutrition Scholar (BNS), alinsunod sa Kontra Dengue Campaign ng barangay.

Kaugnay nito, hinikayat ng barangay ang mga residente na regular na maglinis ng kanilang paligid at alisin ang mga naipong tubig para hindi pamugaran ng lamok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments