RESPONSABLENG PARENTING, ISINUSULONG SA MANGALDAN KASUNOD NG PAGTAAS NG INSIDENTENG KINASASANGKUTAN NG KABATAAN

Pinalalawak ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang kamalayan sa responsable parenting sa gitna ng mga umuusbong na krimen at insidenteng kinasasangkutan ng mga kabataan.

Ito ay matapos ang isinagawan ng Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) na Parent-Teen Talk Facilitator’s Training para sa mahigit 40 barangay volunteers at mga kawani ng Municipal Health Office (MHO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong Hulyo 30, 2026.

Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan, kabilang sa mga kalahok ang mga Barangay Health Worker (BHW), Barangay Nutrition Scholar (BNS), Barangay Service Point Officer (BSPO), at iba pang community workers.

Tinalakay sa pagsasanay ang iba’t ibang parenting styles, love languages, at mga pagbabagong pisikal at asal na nararanasan ng mga kabataan.

Binigyang-pansin din ang mga posibleng epekto ng hindi responsableng pag-inom ng alak, paggamit ng ilegal na droga, mararahas na laro, malalaswang palabas, at iba pang negatibong impluwensya sa pag-uugali ng kabataan.

Ayon sa PPCLDO, mahalaga ang papel ng tahanan sa paghubog ng desisyon at pag-uugali ng mga bata, lalo na sa panahon na nahaharap sila sa iba’t ibang hamon.

Sentro sa pitong sesyon ng pagsasanay ang kahalagahan ng open communication bilang pangunahing paraan sa ugnayan ng magulang at anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments