TRUCK DRIVER NA WANTED SA KASONG RAPE BY SEXUAL ASSAULT, ARESTADO SA MALASIQUI

Naaresto ng mga tauhan ng Malasiqui Municipal Police Station (MPS) ang isang 49 anyos na lalaki na pinaghahanap ng batas kaugnay ng kasong Rape by Sexual Assault sa isinagawang operasyon noong Hunyo 11, 2026.

‎Kinilala ng pulisya ang suspek na nagtatrabaho bilang truck driver, at residente ng Bayambang, Pangasinan.

‎Dakong alas-10:10 ng umaga nang maaresto ang akusado sa bayan ng Malasiqui sa bisa ng inilabas na Warrant of Arrest para sa kasong Violation of Rape by Sexual Assault.

‎Itinakda ang piyansang nagkakahalaga ng P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.
‎ ‎Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa kustodiya ng Malasiqui MPS para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments