Tuesday, June 16, 2026

DA, pinaigting ang biosecurity measures upang mapataas ang hog population sa bansa

Mas pinalakas pa ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang upang maibalik sa normal ang populasyon ng mga baboy sa bansa at matiyak ang matatag na suplay at presyo ng karne sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. patuloy na ipinatutupad ng ahensya ang mas mahigpit na biosecurity measures at science-based repopulation programs.

Layon nito na mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at mapabilis ang pagbangon ng industriya.

Sinisikap pa rin ng pamahalaan na mabalanse ang pagpapalakas ng produksyon ng hog sector habang pinoprotektahan ang kabuhayan ng mga magbababoy .

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 8.75 milyong ulo ang swine inventory ng bansa noong 2025 mula sa 9.57 milyon noong nakaraang taon.

Naniniwala ang DA na mahalaga ang mabilis na pagbangon ng hog industry upang mapalakas ang food security at makatulong sa pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng pagkain sa bansa.

Facebook Comments