Pagtugon ni Pangulong Duterte sa usapin sa WPS, binigyan ng gradong 8 ng isang security analyst

Binigyan ng gradong 8 ng security analyst na si Rommel Banlaoi si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa usapin sa West Philippine Sea.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi na Banlaoi na bagama’t marami ang naging isyu sa panahon na panunugkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay wala namang nawala sa bahagi ng teritoryo ng bansa

Tanging ang mga panghihimasok at insertions lamang kasi ang naganap na napangasiwaan naman ng maayos ng Pangulo, sa pamamgitan ng pakikipag-ugnayan nito sa iba pang bansa tulad na lamang ng Estados Unidos.


Kasabay nito, ipinaliwanag naman ni Banlaoi kung saan napunta ang dalawa niyang puntos.

Una, hindi pa naisasakatuparan ang mga planong kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa West Philippine Sea tulad ng Joint Fishery Management na pinag-usapan noong 2019.

At pangalawa, wala pang nagiging implementasyon ang Joint Development of oil and natural gas exploration.

Facebook Comments