Pagtutulungan ng PNP at AMLC laban sa financial crimes, mas pinalakas

Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na palakasin ang kanilang kooperasyon sa pagsugpo sa financial crimes.

Ito’y kasunod ng pagbisita kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., sa Camp Crame ng AMLC delegation na pinangunahan ni AMLC Executive Director Atty. Mathew David.

Ayon kay Gen. Acorda, ang pag-uusap ng mga opisyal ng PNP at AMLC ay patunay ng matatag na partnership at kolaborasyon ng dalawang ahensya sa paglaban sa money laundering at iba pang financial crimes.


Sinabi pa ni Acorda na malaki ang naitulong ng AMLC sa PNP sa pagbuwag ng mga sindikato at pagpigil ng daloy ng pera mula sa kriminal na aktibidad.

Facebook Comments