
Mariing kinondena ni House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang ibang mga kandidato sa pagkasenador para bigyang-daan ang mga senatorial candidates ng kaniyang partido na PDP-Laban.
Giit ni Acidre, hindi biro ang pagbabantang pumatay ng opisyal ng gobyerno dahil ito ay nagpapalaganap ng kultura ng karahasan, nagpapahina sa demokrasya, at sumisira sa batas.
Diin pa ni Acidre, krimen ang bantang pagpatay na may kaakibat na parusa kaya hindi puwedeng balewalain kasi nagdadala ito ng tunay na banta sa seguridad, at napipilitan ang gobyerno na gumastos ng pondo at magpakilos ng pulis at militar para tugunan ang banta.
Ayon kay Acidre, talagang nagmana sa kanya ama si Vice President Sara Duterte na nagbanta naman sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.