Pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa mga magulang ni Kian Delos Santos, pakitang tao lang ayon sa grupo ng mga estudyante

Manila, Philippines – Hindi ikinatuwa ng grupo ng mga estudyante ang nangyaring usapan sa pagitan ng Pangulong Duterte at mga magulang ng 17-anyos na si Kian Delos Santos, ang binatilyong nasawi sa isang anti-illegal drug operation ng pulisya.

Ayon kay JP Rosos, tagapagsalita ng League of Filipino Students, bagamat nakangiti sa larawan ang mga magulang ni Kian kasama ang Pangulo, hindi ibig sabihin nito na nakamit na nila ang katarungan.

“Kinukundena pa rin si Duterte, na pakitang tao ngayon na kunwari ay tumutulong, humihing ng hustisya pero wala pa rin balak itigil ang giyera kontra (iligal na) droga, at wala paring (balak) itigil ang pagpatay sa mga maralita.”


Isa lang aniya ang pamilya ni Kian sa maraming pangpamilya na naging biktima ng kampanya kontra iligal na droga na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakamit ang nararapat na hustisya.

Kaya ayon kay Rosos, mananatili ang mga kabataan sa pagsigaw ng hustisya at katarungan.

Magpapatuloy rin aniya ang kanilang pag-oorganisa ng mga laban at pagpapakalat ng mga impormasyon, at pakikipagtulungan sa iba pang grupo na tutol at lumalaban din patayang nagaganap sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments