Friday, April 24, 2026

Palasyo, nanindigang walang contradiction sa pahayag ni PBBM at DOJ kaugnay kay Zaldy Co; dating mambabatas, nasa kustodiya ng Czech Republic dahil sa immigration issue

Nanindigan ang Malacañang na walang naging contradiction sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa sitwasyon ni dating kongresista Zaldy Co sa Czech Republic.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi ginamit ng pangulo ang salitang “aresto.”

Ang sinabi lamang aniya ng pangulo ay nasa kustodiya ng Czech Republic si Co dahil sa kakulangan sa tamang dokumento.

Dagdag pa ni Castro, malinaw na naharang si Co dahil sa isyu sa immigration requirements.

Nilinaw aniya ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, na restrained si Co at hindi pormal na inaresto.

Facebook Comments