Iginiit ngayon ni Brigadier General Madid Paitao na mahalaga ang ginagawa nilang pagbabantay para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), lalo na sa mga kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasa ilalim na ng pamahalaan.
Ito ang kaniyang naging pahayag sa isinagawa nilang information, education, and communication (IEC) campaign sa Cagayan De Oro city Kung saan kahit tapos na daw ang giyera, kinakailangan pa din magbantay upang manatili ang katahimikan.
Matatadaan na mula ng maipasa ang bangsamoro organic law noong january 26, 2019.. Nabuwag na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at napalitan ito ng BARMM.
Nitong april 2019 nanan ng pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 79 para sa pagpapatupad ng Normalization of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro kung saan ang peace agreement ay pinirmahan ng gobyerno ng pilipinas at ng MILF.
Nakasaad dito na kinakailangan ng milf na panatilihin payapa at matatag ang kanilang komunidad.
Sinabi naman ni OPAPP, Assistant Secretary Dickson Hermoso na sa kabila ng binuong BARMM, nanatiling matatag ang ceasefire agreement at magpapatuloy daw ito para sa peace and order sa nasabing rehiyon.
Paliwanag pa ni hermoso, nasa adjusment period pa din ang lahat kaya’t sigurado daw na gindi naiintindihan ang proseso pero umaasa siya na magkakaroon ng pangmatagalan kapayapaan hindi lamang ngayon kungdi sa mga susumod pang henerasyon.
Ang ginagawang IEC campaign ay isa sa mga ginagawang aktibidad ng OPAPP sa lahat ng miyembro ng security sector ng rehiyon para mas lalo pang mapalawak ang kanilang pagkaka-unawa at pagkaka-intindi sa Bangsamoro peace process.