Magtatatag ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng Flood Management Department na mangunguna sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto laban sa pagbaha sa lalawigan.
Itutuon ng bagong tanggapan ang mga programa sa pananaliksik, pagbibigay-kaalaman sa komunidad, at pagpapatupad ng pangmatagalang hakbang para sa disaster risk reduction.
Layunin nitong matukoy ang mga sanhi ng biglaang pagtaas ng tubig, kabilang ang mga lugar na dati ay hindi binabaha.
Sasaklawin ng departamento ang lahat ng flood mitigation at river rehabilitation projects, kabilang ang dredging at desilting ng Limahong Channel sa Lingayen at Nayum River sa Dasol, pati solid waste management, pagtatanim ng puno, at cleanup drives.
Bahagi ito ng 10-taong river restoration project ng lalawigan upang mapabuti ang pamamahala sa pagbaha at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga komunidad.







